Para sa mga Senador, Congressman, pulitiko, oposisyon at mga walang magawang manggagawa sa gobyerno… konting focus naman dyan! Pagod na kami sa walang katapusang senate hearing na walang nangyayari! sawa na kami sa pagmumukha ni Jun Lozada! At nabibingi na kami balitaktakan na walang patutunguhan! Panahon na para pagtuunan nyo naman ng pansin ang totoong problema ng bayan. Ang patuloy na pagtaas ng krudo, bakit parang walang pumapansin sa inyo? Alam nating lahat na malaki ang nagiging epekto nito sa pang-araw araw na buhay naming mga ordinaryong mamamayan ngunit, kibit-balikat lang kayo… dahil ba sa di naman kayo masyadong apektado at malaki ang kita nyo sa mga raket nyo? Ang napapabalitang rice shortage… ano na ang naging aksyon nyo dito? Nakagawa na ba ng batas para ma-proteksyonan ang karamihan sa mga Pilipino na kanin ang kinakain araw-araw? Sa tingin ko wala pa… kasi kung meron eh hindi tayo mamomroblema sa kakulangan sa bigas. Ano na nga kaya ang laban natin sa mga rice hoarders? Ang pagbagsak ng stock market ng Estados Unidos. Hindi nyo ba naisip na walang kalaban-laban ang ekonomiya ng Pilipinas at siguradong maapektuhan ang kabuhayan natin? Maraming problema ang dapat harapin at gawan ng paraan. Ngunit kapansin-pansin sa inyo na mas-concern pa kayo sa mga walang kwentang isyu na di naman talaga makakatulong sa atin. Paano na aasenso ang ating bayan kung puro testimonya na lang ng mga senate witnesses ang gusto ninyong pakinggan? Paano maiiwasan ang pagbaba ng ekonomiya kung puro destabilisasyon na lang ang pagtutuunan ng pansin? Paano magiging secured ang kinabukasan namin kung puro schedule ng rally na lang ang pag-uusapan? Para sa mga pulitiko na puro pa-pogi na lang ang iniisip… pakiusap lang, magtrabaho naman kayo para sa ikabubuti ng nakararami! Tantanan nyo muna yang 2010 eleksyon at gawan muna ng paraan ang mga problemang hinaharap ng bayan. Isantabi nyo muna ang mga isyung hindi naman talaga makakatulong sa ikauunlad ng buhay natin. Meron pang natitirang panahong para mapatunayan nyo na nararapat pa kayong manatili matapos ang 2010 elections. Kung talagang mga public servants kayo, alam ninyo ang inyong trabaho at ito ang inyong ginagampanan. Para naman dun sa mga nagmimistulang gutom sa media mileage, lumayas na lang kayo sa serbisyo at mag-artista na lang… sa ganyang paraan, laging naka-focus sa inyo ang media. Hindi na naming kailangan ng mga trapo na puro sideline ang inaatupag… Mag-focus naman kayo sa trabaho nyo!
Wednesday, April 2, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment